|
||||||||
|
||
Iniulat kagabi ng Hong Kong ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng influenza A o swine flu at pagkatapos, ipinatalastas ni Donald Tsang, punong ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na ang lebel ng alerto ng Hong Kong sa nakahahawang sakit ay pinataas sa pinakamataas na "emergency" mula noong "serious".
Ang naturang may-sakit ay isang Mexican at dumating siya ng Hong Kong kamakalawa ng hapon sakay ng flight ng China Eastern Airlines mula Mexico City patungong Hong Kong sa pamamagitan ng Shanghai. Pagkaraang lagnatin kamakalawa ng gabi, pumunta siyang sarili sa ospital at kinumpirma kahapon na may sakit ng influenza A. Sarado ngayon ang otel na nagpatuloy ng nabanggit na may-sakit at isinasagawa ang 7-araw na kuwarentenas sa halos 100 working staff at mahigit 200 panauhin sa loob ng otel.
Ayon sa ulat ngayong madaling araw ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina, sa stopover sa Shanghai, wala pang natuklasang sintomas ng naturang may-sakit at nakikipagkontak ang may kinalamang panig sa kanyang mga kapasahero. Ipinasiya rin ng pamahalaang Tsino na mula araw ring iyon, itinitigil ang pagtanggap sa mga flights sa Shanghai mula sa Mexico.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |