Patuloy na kumakalat sa buong daigdig ang epidemiya ng influenza A. Hanggang ngayong umaga, naiulat ang mga kumpirmadong kaso sa 14 na bansa at rehiyon ng daigdig na kinabibilangan ng Mexico, E.U., Canada, Espanya, Britanya, Alemanya, New Zealand, Israel, Switzerland, Austria, Netherlands, Denmark, Timog Korea, Hong Kong ng Tsina at Pransya.
Sa harap ng epidemiya, aktibo ang mga bansa at organisasyong pandaigdig sa pagsasagawa ng mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol. Sinabi ng Mexico na salamat sa mga maunlad na kagamitan na iniabuloy ng komunidad ng daigdig, malaking napalakas na ang kakayahan ng Mexico sa pagkumpirma sa kaso ng influeza A. Ipinahayag ni pangulong Barack Obama ng E.U. na optimistiko siya sa pagkontrol ng kanyang bansa sa sakit na ito. Ayon sa sekretaryat ng ASEAN, magpupulong sa ika-8 ng buwang ito sa Thailand ang mga ministro ng kalusugan ng mga bansang ASEAN para pag-aralan ang pagharap sa epidemiya. Idaraos naman samakalawa ng Pangkalahatang Asembleya ng UN ang di-pormal na pulong hinggil sa sakit na ito.
Salin: Liu Kai