Hiniling ngayong araw ng State General Administration for Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina sa lahat ng mga port na buong lakas na iwasan ang pagkalat sa bansa ng influenza A.
Ayon sa kahilingan ng naturang administrasyon, dapat sulatan ng lahat ng mga tauhang papasok sa Tsina ang health declaration form, suriin nang 2 beses ang temperatura ng mga tauhan mula sa mga bansa at rehiyong may epidemiya, iparada sa espesyal na lugar ang mga sasakyan mula sa mga bansa at rehiyong may epidemiya, agarang ipadala sa mga espesyal na ospital ang mga tauhang may lagnat mula sa mga bansa at rehiyong may epidemiya at disimpektahin ang mga dala-dalahan, pakete at iba pang bagay-bagay mula sa mga bansa at rehiyong may epidemiya.
Humiling din ang naturang administrasyon na kung matutuklasan ang mga di-normal na kaso sa mga port, dapat agarang isagawa ang katugong hakbangin at iulat sa administrasyong ito.
Salin: Liu Kai