Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa kanayunan ng Lalawigang Hubei, binigyang-diin ni pangalawang premyer Hui Liangyu ng Tsina na ang kasalukuyan ay mahalagang panahon ng pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal at pag-iwas sa influenza A, dapat tumpak na palakasin ng iba't ibang lugar at departamento ang pagpigil at pagkontrol sa mga malaking epidemiya ng hayop, igarantiya ang suplay ng mga produktong agrikultura, pasulungin ang paghahanapbuhay at pagtaas ng kita ng mga magsasaka at patatagin ang mainam na kalagayan ng agrikultura at kanayunan.
Tinukoy ni Hui na dapat aktibong pasulungin ang pagsasaayos ng estruktura ng agrikultura, katigan ang pagsasaindustriya ng agrikultura at igarantiya ang masaganang ani sa tag-init.
Lubos ding sinubaybayan ni Hui ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng hayop. Binigyang-diin niyang dapat komprehensibong palakasin ang pagmomonitor sa epidemiya ng hayop, kumpletuhin ang plano ng pagpigil at pagkontrol at palakasin ang seguridad at kalidad ng mga produktong agrikultural.
Salin: Liu Kai