Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Ren Minghui, opisyal ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina, sa mga opisyal ng tanggapan ng World Health Organization o WHO sa Tsina na kinabibilangan ni Hans Troedsson, puno ng tanggapang ito. Ipinaalam ng opisyal na Tsino sa mga opisyal ng WHO ang mga hakbangin ng Tsina sa pagpigil sa influenza A at pinag-aralan ng dalawang panig ang hinggil sa ibayo pang pagpapalakas ng kooperasyon.
Sinabi ni Ren na sa kasalukuyan, itinatag na ng Tsina ang magkasanib na mekanismo na nilalahukan ng mga departamento para maiwasan ang pagkalat sa bansa ng epidemiya at mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan. Lubos namang pinapurihan ni Troedsson ang mga hakbangin ng pamahalaang Tsino sa paghahanda at pagharap sa sakit na ito at pagbubukas ng mga impormasyon. Sinang-ayunan nilang aanyayahan ng Tsina ang mga eksperto ng WHO na lumahok sa gawain ng pagpigil nito at tutulungan naman ng WHO ang Tsina sa pagdedebelop ng mga bakuna at gamot laban sa influenza A.
Salin: Liu Kai