|
||||||||
|
||
Isiniwalat ng nabanggit na opisyal na ang naturang mga baboy ay posibleng nahawahan ng sakit ng isang manggagawa na umuwi mula sa Mexico. Tinukoy din niyang sa kasalukuyan, nakaligtas ang pagkain ng karne ng baboy, dahil napakaliit ng posibilidad ng pagkalat ng sakit na ito sa tao mula sa baboy.
Nang araw ring iyon, iniulat ng Austria ang unang kaso sa bansang ito at sa daigdig na nakaalis ng ospital ang isang kumpirmadong may-sakit ng influenza A. Ipinakikita ng pagsuri na wala na siyang virus.
Ipinatalastas naman ng isang instituto ng Pransya na ginawa nito ang isang bagong paraan ng mabilis na pagkatuklas ng influenza A virus sa loob ng kalahating araw.
Ayon pa rin sa pinakahuling estadistika ng World Health Organization, hanggang ngayong tanghali, Beijing Time, umabot sa 657 ang mga kumpirmadong kaso ng influenza A sa 16 na bansa at rehiyon ng daigdig at nananatiling 17 ang mga kumpirmadong kaso ng pagkapatay sa sakit na ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |