Ayon sa ulat kahapon ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina, sa flight mula Mexico patungong Hong Kong sa pamamagitan ng Shanghai na sakay ng isang kumpirmadong may-sakit ng influenza A, 48 pasahero ang umibis sa Shanghai. Sa kasalukuyan, ginagawang kuwarentenas silang lahat sa ilang lugar sa interyor ng Tsina at wala pang natuklasang di-normal na kalagayan.
Ayon naman sa pinakahuling ulat ng may kinalamang departamento ng Esepsyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, binibigyang-lunas ngayon sa ospital ang nabanggit na may-sakit na Mexican at matatag ang kanyang kalagayan. Bukod dito, hanggang sa kasalukuyan, wala pang natuklasang bagong kaso ng influenza A sa Hong Kong.
Salin: Liu Kai