|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang Tsina ng isang serye ng hakbangin para sa paglaban sa influenza A.
Sinubok-yari na kahapon ng Tsina ang paraan ng mabilis na pagsusuri sa virus ng influenza A. Para sa mga pinahihinalaang may sakit, titiyakin ang tunay na kalagayan sa loob ng 12 oras. Naisakatuparan na ang direktang pag-uulat sa internet ang lahat ng mga sentro ng pagkontrol sa sakit ng Tsina. Nang maganap ang epidemya saanman, agarang nalaman ng may kinalamang departamento ng bansa pagkaraang mag-input sa lokal na komputer.
Dahil natuklasan ang influenza A virus sa isang babuyan ng lalawigang Alberta ng Kanada, nagpalabas ng pahayag ang Tsina na itigil ang pag-aangkat ng baboy at produkto nito mula sa lalawigang ito.
Bukod dito, liban sa pagsusuri sa temperatur at paglilist ng kalagayan ng kalusugan, pinalakas din ng Tsina ang pagsusuri sa mga organong medikal at iba pa.
Salin: Jason
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |