|
||||||||
|
||
Tiniyak kagabi ng World Health Organization o WHO na naganap ang 898 kumpirmadng kaso ng influenza A sa 18 bansa't rehiyon.
Ayon sa estadistikang ipinalabas ng WHO, hanggang alas-18 kagabi, Greenwich Time, naganap ang 898 kumpirmadng kaso ng influenza A sa 18 bansa't rehiyon na magkakahiwalay na nasa Mexico, E.U., Kanada, Espanya, Britanya, Alemanya, New Zealand, Israel,Pransya, Ireland, Swizertland, Austria, Netherland, Denmark, T.Korea, Hong Kong ng Tsina, Costa Rica at Italya.
Ayon pa sa ulat, ipinatalastas kagabi ng ministri ng kalusugan ng Mexico na tumaas sa 568 ang bilang ng mga maysakit ng influenza sa bansang ito at 22 ang namatay.
Sa E.U., 226 kaso ang tiniyak at 1 ang namatay. Sa Espanya, 44 kaso ang tiniyak.
Ipinatalastas din kahapon ng hapon ng ministri ng publikong kalusugan ng Kanada, na dinagdag ang 16 na kaso kahapon at hanggang dito, 101 tao sa bansang ito ang nahawahan ng virus na ito.
Salin:Jason
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |