|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistika ng WHO, 878 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit na ito sa naturang 18 bansa't rehiyon na kinabibilangan ng Mexico, E.U., Kanada, Espanya, Britanya, Alemanya, New Zealand, Israel, Pransya, Ireland, Swizterland, Austria, Netherlands, Denmark, Timog Korea, Hong Kong ng Tsina, Costa Rica at Italya. Bukod dito, 1 tao ang namatay sa E.U. at 19 sa Mexico.
Ayon pa sa ulat, ipinatalastas kagabi ng ministri ng kalusugan ng Mexico na tumaas sa 568 ang bilang ng mga may-sakit ng influenza sa bansang ito at 22 ang namatay.
Iniulat ng E.U. ang 226 na kumpirmadong kaso at 1 ang namatay.
Hanggang alas-11 kagabi, 44 na kaso ang kinumpirma sa Espanya.
Ipinatalastas naman kahapon ng hapon ng Departamento ng Kalusugang Pampubliko ng Kanada, na lumaki ng 16 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bansang ito na umabot sa 101 lahat-lahat.
Salin: Sissi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |