Kinumpirma kagabi ng World Health Organization o WHO na hanggang kagabi, naiulat ang 1085 kumpirmadng kaso ng influenza A sa 21 bansa't rehiyon ng daigdig at 26 sa kanila ay namatay.
Ayon sa estadistika ng WHO, hanggang alas-18 ng kagabi, GMT o alas-2 ng kaninang madaling araw, Beijing Time, 1085 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit na ito sa 21 bansa't rehiyon na kinabibilangan ng Mexico, E.U., Kanada, Espanya, Britanya, Alemanya, New Zealand, Israel, Pransya, Salvador, Italya, Switzerland, Austria, Netherlands, Denmark, Timog Korea, Hong Kong ng Tsina, Costa Rica, Ireland, Colombia at Portugal.