Ang Ministri ng Kalusugan ng Tsina at Ahensiya sa Beijing ng World Health Organization ay magkasamang naghandog kamakailan ng news briefing hinggil sa pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa A (H1N1) flu.
Napag-alamang napagpasiyahan ng Pamahalaang Tsino na maglaan ng 5 bilyong Yuan RMB o 700 milyong dolyares na espesyal na pondo sa pagpigil at pagkontrol ng influenza A. Nangako rin ang panig Tsino na patuloy na magpapahigpit ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan nito sa mga panig dayuhan para magkasamang matugunan ang bantang dulot ng salot.
Salin: Xian Jie