Bilang tugon sa lumalalang epidemiya ng influenza A (H1N1), maraming isinasagawang hakbangin ang Pamahalaang Tsino, bagay na suportadng suportado ng mga mamamayan.
Ayon sa Pamahalaang Tsino, dapat agarang ipaalam ng mga may kinalamang panig kung may matutuklasang kaso at bawal na bawal ang pagbalam, paglihim o pagpapabaya sa pagsasapubliko ng impormasyon. Nagsapubliko rin ang mga media ng mga kaalaman hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa salot. Ipinalalagay ng mga mamamayang Tsino na ang nasabing mga hakbangin ay nagpapakita ng pagpapauna ng pamahalaan sa kalusugan ng madla.
Salin: Xian Jie