|
||||||||
|
||
Pagkaraan ng pagdalo ngayong araw sa Bangkok sa espesyal na pulong ng mga ministro ng kalusugan ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea, ipinahayag sa medya ni Chen Zhu, Ministro ng Kalusugan ng Tsina, na sa kasalukuyan, bagama't bumagal ang pagkalat ng influenza A, dapat pa matyagan ng iba't ibang bansa ng pagbabago ng virus at muling pagkalat.
Sinabi ni Chen na sa kasalukuyan, bumaba ang bagong natuklasang kaso ng influenza A sa mga bansang pinakamalubha ang epidemiya, ngunit dapat panatilihin pa ng mga bansa ang pagmamatyag. Anya, batay sa karanasan, kung magaganap nang ikalawang beses ang epidemiya, magiging mas malaki ang paninira nito at mas malakas ang kakayahan sa pagkalat at posible ring magaganap nang ika-3 beses ang epidemiya sa susunod na taon.
Ipinahayag din ni Chen na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang nakapaligid sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiyang ito.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |