Upang pigilin ang ibayo pang pagkalat ng influenza A, idinaos ngayong araw sa Bangkok, Thailand ang espesyal na pulong ng mga ministro ng kalusugan ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea. Lumahok din sa pulong ang mga kinatawan ng World Bank, UN Food and Agriculture Organization at iba pang pandaigdig na organisasyon.
Tatagal nang 2 araw ang pulong na naglalayong magpabagal ng pagkalat ng influenza A sa rehiyong ito. Sa unang araw ng pulong, tinasahan ng mga kalahok ang kalagayan ng epidemiyang ito sa iba't ibang bansa sa Asya. Sa kasalukuyan, walang natuklasang kaso sa mga bansang ASEAN, ngunit iniulat na ng Hong Kong ng Tsina at Timog Korea ang 4 na kumpirmadong kaso lahat-lahat.
salin:wle