|
||||||||
|
||
Patuloy na isinasagawa ng komunidad ng daigdig ang mga hakbangin para mapigilan ang pagkalat ng influenza A.
Nagpalabas kahapon ng magkasanib na pahayag ang mga ministro ng kalusugan ng mga kasaping bansa ng Southern African Development Community na nagmumungkahi sa kanilang mga mamamayan na ipagpaliban ang paglalakbay sa mga epidemikong lugar. Sa kasalukuyan, ipinalabas na ng naturang mga bansa ang mga hakbangin ng pagpigil at pangkagipitang plano sa epidemiya.
Sinabi kahapon ni Bernard Vallat, direktor heneral ng World Organization for Animal Health, na ang bilang ng mga namatay sa influenza A ay hindi mas marami kaysa mga namatay sa karaniwang flu. Ipinalalagay niyang sa kasalukuyan, lumilitaw ang tunguhin ng paghupa ng epidemiyang ito.
Ayon naman sa estadistika ng World Health Organization, hanggang alas-12 kaninang tanghali, 1861 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng influenza A sa 22 bansa at rehiyon ng daigdig at sa mga ito'y 31 ang namatay.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |