|
||||||||
|
||
Sa bagong planong ito, ipinagliwanag ang dalawang pamantayan para sa pagtiyak ng pinaghihinalaang kaso at kumpirmadong kaso. Itinadhana pa nitong dapat ipasailalim sa pag-isolate nang isa-isa ang mga pinaghihinalaang may-sakit at dapat naman bigyang-lunas ang mga kumpirmadong may-sakit sa mga espesyal na ospital.
Tinukoy rin ng plano na ang may-sakit ng influenza A ay pangunahing pinagmumulan ng pagkahawa ng sakit na ito at bagama't natuklasan na ang virus ng influenza A sa baboy, wala pang katibayang nagpapatunay na ang hayop ang pinagmumulan ng sakit na ito.
Ayon pa rin sa Ministri ng Kalusugan, ang influenza A ay isang bagong sakit at patuloy at buong higpit na susubaybayan ng ministring ito ang pinakahuling karanasan at resulta ng pananaliksik ng World Health Organization at mga ibang bansa para patuloy na kumpletuhin at pabutihin ang naturang plano ng paggamot.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |