|
||||||||
|
||
Sa espesyal na pulong ng mga ministro ng kalusugan ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea na ipininid kahapon sa Bangkok, ipinalabas ang pahayag na nanawagang isagawa ang mga hakbangin para pasulungin ang magkakasamang pagharap ng rehiyong ito sa epidemiyang ito. Anang pahayag, patuloy na pabubutihin ng mga bansang ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea ang kani-kanilang hakbangin ng pagpigil at pagkontrol at magkakasamang pasusulungin din ang gawaing ito sa rehiyon.
Nang araw ring iyon, bumigkas ng talumpati sa telebisyon si Margaret Chan, direktor-heneral ng World Health Organization, na sa pamamagitan ng pagtuto sa karanasan sa paglaban sa mga epidemiya na gana ng bird flu, handang handa na ang buong daigdig sa pagharap sa posibleng malawak na pagkalat ng influenza A. Anya, patuloy na magpapanatili ng pamamatyag at magpapabuti ng plano laban sa sakit na ito ang WHO at mga tanggapan nito sa iba't ibang rehiyon.
Hanggang ngayong tanghali, Beijing Time, isinapubliko ng WHO na liban sa 46 na kaso ng pagkapatay, 2454 ang mga kumpirmadong kaso ng influenza A sa 25 bansa at rehiyon ng daigdig at karamihan sa mga ito ay nasa E.U. at Mexico. Iniulat naman ng Australya, Hapon at iba pang bansa ang bagong kumpirmadong kaso.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |