Ayon sa estadistika ng World Health Organization o WHO, hanggang noong alas-4 ngayong araw, Beijing Time, naiulat ang 4694 na kumpirmadong kaso ng influenza A sa 30 bansa ng daigdig na kinabibilangan ng 2532 kaso sa E.U., 1626 na kaso sa Mexico at 284 kaso sa Kanada.
Ipinahayag ng opisyal ng WHO sa West Atlantic na dahil mabilis ang pagkahawa ng virus ng influenza A sa pagitan ng tao at madalas ang sirkulasyon ng tao sa daigdig, tinatayang lalaki pa sa rehiyong ito ang bilang ng mga kaso.
Nang araw ring iyon, ipinatalastas ng Mexico na maglaan ng mahigit 1.1 bilyong Dolyares sa mga sektor ng turismo at pag-aalaga ng baboy bilang subsidy sa kanilang kapinsalaan sa kasalukuyang epidemiya.
Salin: Liu Kai