Inulit kahapon ni Keiji Fukuda, asistenteng direktor heneral ng World Health Organization, na hindi mahuhulaan ang tunguhin ng epidemiya ng influenza A, kaya dapat gawin ng iba't ibang bansa ang lubos na paghahanda sa malawakang pagkalat nito.
Sinabi ni Fukuda na patuloy na aanalisahin ng WHO ang katangian sa sintomas at pagkalat ng virus ng influenza A at posibleng epekto nito sa mga tao at bansa. Binigyang-diin din niyang ang ganap na paghahanda sa sakit na ito ay susi sa kasalukuyang epidemiya.
Salin: Liu Kai