Ayon sa pinakahuling estadistika ng World Health Organization, hanggang noong alas-9 ngayong umaga, Beijing Time, 5251 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng influenza A sa 31 bansa at rehiyon ng buong daigdig at 61 ang namatay. Pinakagrabe pa rin ang kalagayang epidemiko sa Hilagang Amerika at iniulat naman sa kauna-unahang pagkakataon ang mga kumpirmadong kaso sa Thailand, Finland at Kuba.
Samantala, bilang tugon sa patuloy na pagkalat ng influenza A, isinagawa ng Costa Rica at Indya ang mga pangkagipitang hakbangin para palakasin ang pagpigil sa epidemiya. Nitong nakalipas na dalawang linggo, inilaan ng pamahalaan ng Costa Rica ang halos 700 libong Dolyares para bilhin ang mga kagamitang medikal at gamot. Ipinahayag naman ng Indya na bilang pangmatagalang estratehiya sa sakit na ito, idedebelop nito ang bakuna sa virus ng influenza A.
Salin: Liu Kai