Iniulat ngayong araw ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina ang isang bagong kumpirmadong kaso ng H1N1 influenza A sa Lalawigang Fujian sa timog kanlurang bansa. Hanggang dito, umabot sa 8 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit na ito sa interyor ng Tsina.
Sa naturang 8 may-sakit, 4 ang gumaling na at umalis ng ospital at ang nalalabing 4 na kinabibilangan ng 3 sa Beijing at 1 sa Fujian ay nasa ilalim ng quarantine at normal ngayon ang kanilang kalagayan.
Hanggang ngayong tanghali, iniulat naman ng Hong Kong ang 6 na kumpirmadong kaso ng H1N1 influenza A at iniulat din ng Taiwan ang 6.
Salin: Liu Kai