Ipinahayag kamakailan sa Beijing ni Werner Christie, pangulo ng UN International Ecological Safety Cooperative Organization, na para mapigilan ang pagkalat ng epidemiya ng H1N1 influenza A, isinasagawa ng Tsina ang mga mahigpit na hakbangin at makatwiran at mabisa ang mga hakbanging ito.
Sinabi ni Christie na makatwiran ang lubos na pag-iingat ng Tsina sa kasalukuyang epidemiya ng H1N1 influenza A. Anya, ang epidemiyang ito ay iniresulta ng bagong virus, kaya dapat panatilihin ang lubos na pagmamatyag sa mga pinaghihinalaang kaso.
Sinabi rin niyang pagkaraan ng epidemiya ng SARS, malaking pinabuti ng Tsina ang sistema nito ng pagkontrol at pagpigil sa mga sakit bagay na makakatulong sa pagkontrol sa kasalukuyang epidemiya ng influenza A.
Salin: Liu Kai