Ipinahayag ngayong araw ni Zeng Guang, eksperto ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, na kasunod ng pagdami ng mga kaso ng influenza A sa Tsina, lumalaki ang posibilidad sa pagkalat ng sakit na ito sa loob ng bansa. Anya, ginawa ng Tsina ang paghahanda para rito.
Napag-alamang ngayong hapon, natiyak na kumpirmadong kaso ang isang pinaghihinalaang kaso ng influenza A sa Fuzhou, punong lunsod ng Lalawigang Fujian sa timog Tsina at sa gayo'y umabot sa 14 ang mga kumpirmadong kaso ng sakit na ito sa interyor ng Tsina at mayroon pang isang pinaghihinalaang kaso.
Salin: Liu Kai