Hanggang alas-2 ngayong hapon, iniulat ng World Health Organization ang 15510 kumpirmadong kaso ng H1N1 influenza A sa 54 na bansa at rehiyon ng buong daigdig na kinabibilangan ng 58 bagong kaso. Kabilang dito, 99 ang namatay.
Nang araw ring iyon, iniulat ng Biyetnam ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng influenza A sa bansa. Ayon sa Ministri ng Kalusugan ng Biyetnam, ang naturang may-sakit ay isang estudyanteng kauuwi mula sa E.U..
Bukod dito, iniulat naman ng Argentina, Panama, Uruaguay, Britanya at Pransya ang ilang bagong kaso.
Salin: Liu Kai