Hanggang alas-2 ngayong hapon, Beijing Time, iniulat ng World Health Organization ang mahigit 19000 kumpirmadong kaso ng H1N1 influenza A sa 67 bansa at rehiyon ng daigdig na kinabibilangan ng 117 namatay.
Kahapon, kinumpirma ng Thailand ang kauna-unahang kaso ng pagkahawa sa loob ng bansang ito at hanggang dito, umabot sa 8 ang mga kumpirmadong kaso sa Thailand.
Natiyak naman ang pagsiklab ng epidemiya ng influenza A sa reserbang lugar ng mga katutubo sa kanlurang dako ng Kanada at naiulat ang 2 kumpirmadong kaso. Sa kasalukuyan, hindi nalalaman kung papaanong kumakalat ang epidemiya sa naturang lugar.
Salin: Liu Kai