Sinabi kahapon ng World Health Organization (WHO) na nitong ilang araw na nakalipas, mabilis ang pagkalat ng influenza A sa daigdig, kaya malapit na ipapatalastas nito ang ganap na pagkalat ng influenza A.
Sa isang news briefing sa Geneva, sinabi ni Keiji Fukuda, Assistant Director-General ng WHO, na sa kasalukuyan, malapit na malapit ang pagtiyak o pagpapatalastas ng WHO ng ganap na pagkalat ng influenza A. Pero, binigyang-diin niyang ito ay hindi nangangahulugang maliwanag na lumala ang kalagayang epidemiko ng influenza A o maliwanag na lumaki ang bilang ng mga may-sakit.
Nang araw ring iyon, iniulat ng Columbia ang kauna-unahang kaso sa bansang ito ng pagkamatay sa influenza A at lumaki naman ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa Dominica, Argentina, Thailand, Singapore, Hapon, Egypt, Britanya at iba pa.
salin:wle