Embahador Pilipino sa Tsina, bumati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina
(GMT+08:00) 2009-09-28 17:07:38 CRI
Tinanggap kaninang umaga ni Sonia Cataumber-Brady, embahador Pilipino sa Tsina, ang panayam naming mamamahayag mula sa Serbisyo Filipino ng China Radio International. Bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, nagpahayag si Brady ng kanyang pagbati at bumasa siya ng mensaheng pambati ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas kay Pangulong Hu Jintao ng Tsina.
Nang balik-tanawin ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at Pilipinas nitong nakalipas na halos 35 taon, ipinahayag ni Brady na ang pagpapaunlad ng relasyong Pilipino-Tsino ay nakakabuti hindi lamang sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi sa pag-unlad ng rehiyon at daigdig. Sumang-ayon siya kay Pangulong Arroyo na ang mga mamamayan ng dalawang bansa ay hindi lamang magkaibigan, kundi magkakapatid. At umaasa siyang matatamo ng dalawang bansa ang mas maraming tagumpay sa kalakalan, kultura at iba pang larangan.
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig