Ipinatalastas kahapon ng Sekretaryat ng China ASEAN Expo na idaraos ang mataas na porum ng Tsina't ASEAN sa pagpapaunlad ng agrikultura sa ika-19 ng buwang ito sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina. Ang porum na ito ay isa sa mga mahalagang aktibidad ng ika-6 na CAExpo at sa panahon ng porum, idaraos din sa kauna-unahang pagkakataon ang eksibisyon hinggil sa agrikultura ng Tsina at ASEAN para maitanghal ang mga produktong agrikultural ng Tsina at mga bansang ASEAN at mapalawak ang pagkakataong pangkooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng agrikultura.
Ipinahayag ng opisyal ng Sekretaryat ng CAExpo na malaki ang pagkokomplemento ng Tsina at ASEAN sa kooperasyong agrikultural. Kasunod ng mabilis na pagsulong ng konstruksyon ng China-ASEAN Free Trade Area, kinakaharap ng pag-unlad at pagtutulungan ng agrikultura ng dalawang panig ang walang katulad na mabuting pagkakataon.
salin:wle