![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Napag-alaman kahapon ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China ASEAN Expo na dadalo sa ika-6 na ekspong ito ang mga lider at mataas na opisyal ng mga bansang ASEAN at sekretaryat ng ASEAN.
Ang naturang mga personahe ay kinabibilangan nina pangkalahatang kalihim Surin Pitsuwan ng ASEAN, ispiker Prospero Norgales ng Pilipinas, punong ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos, unang pangalawang punong ministro Nguyen Sinh Hung ng Biyetnam, unang pangkalahatang kalihim Tin Aung Myint Oo ng Pambansang Konseho sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Myanmar, senior minister Cham Prasidh ng Kambodya at ng mga ministro o pangalawang ministro ng mga iba pang bansang ASEAN.
Lalahok din sa ekspong ito ang mga opisyal ng mga organisasyong pandaigdig at mga diplomata ng ibang bansa sa Tsina.
Ang ika-6 na China ASEAN Expo ay idaraos mula ika-20 hanggang ika-24 ng buwang ito sa Nanning at idaraos din sa ika-20 ang ika-6 na China ASEAN Business and Investment Summit.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |