|
||||||||
|
||
Dumating kahapon ng Nanning ang nakatataas na delegasyon ng Laos na pinamumunuan ni punong ministro Bouasone Bouphavanh para dumalo sa ika-6 na China ASEAN Expo at ika-6 na China ASEAN Business and Investment Summit.
Ang Laos ay theme country ng kasalukuyang ekspo at isasagawa nito ang espesyal na promosyon.
Nakipagtagpo kagabi kay Bouasone si Guo Shengkun, party secretary ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi. Nagpahayag si Bouasone ng pag-asang maisasaoperasyon sa lalong madaling panahon ang flights mula Nanning patungong Vientiane at Luang Prabang ng Laos para mapasulong ang kabuhayan, kalakalan at turismo ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |