Bago lumahok sa ika-6 na CAExpo, sa kanyang pakikipag-usap sa lider ng lalawigang Guangxi ng Tsina, ipinahayag kahapon ni Nguyen Sinh Hung, Pangalawang Punong Ministro ng Biyetnam, na dapat palakasin ng Tsina at Biyetnam ang kooperasyon sa adwana, pagkukuwenta ng mga bangko at iba pang aspekto para ibayo pang mapataas ang lebel ng kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Iminungkahi ni Cui Zhiyou, Kalihim ng Panlunsod na Komite ng CPC sa Chongzuo ng Guangxi, na magkasamang pabilisin nila ng Biyetnam ang pagpapasulong ng konstruksyon ng mga proyekto sa mga sona ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan at imprastruktura sa komunikasyon at puwerto para ibayo pang mapalakas ang kooperasyon sa turismo, kultura, agrikultura at iba pang larangan.