Nakipagtagpo kahapon sa Nanning si Qin Ruixiang, pangalawang direktor ng Pirmihang Lupon ng Kongreso ng Rehiyong Automono ng Guangxi, kay Muchtar, tagapangulo ng administrasyon ng pananaliksik at pagpapaunlad sa kalakalan ng Indonesya. Sinabi ni Muchtar na handa na ang kanyang bansa para sa panunungkulan bilang theme country ng ika-7 China-ASEAN Expo (CAExpo).
Ipinahayag ni Muchtar na nakahanda ang kaniyang bansa na magsikap kasama ng panig Tsino para maging pinakamabuting plataporma ang CAExpo para sa pagsasagawa ng magkabilang panig ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan.