|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ni Li Ruogu, puno ng Export at Import Bank ng Tsina, na natapos na sa kabuuan ang iba't ibang gawaing preparatoryo ng China Asean Investment Cooperation Fund.
Sa pulong ng promosyon ng China-Asean Investment Cooperation Fund, ipinahayag ni Li na mamumuhunan ang naturang cooperation fund, pangunahin na, sa mga mahalagang proyekto ng kooperasyon sa pamumuhunan na gaya ng impraestuktura, enerhiya't yaman, impormasyon at komunikasyon ng kapuwa panig. Ang layon ng pagharap ng pamahalaang Tsino ng pagtatatag ng naturang pondo ay naglalayong sa pamamagitan ng pagpapatnubay at pagkatig ng pondo, tulungan ang iba't ibang bansa na mapanumbalik sa lalong madaling panahon ang kabuhayan at maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon.
Ayon sa salaysay, ang unang pangkat ng isang bilyong dolyares na pondo ay mamumuhunan, pangunahin na, sa proyekto ng kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina't Asean sa kabuhaya't teknolohiya at iba pa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |