|
||||||||
|
||
Sa porum ng mga lider ng Tsina't Asean ukol sa kooperasyong pinansyal at pag-unlad kamakalawa, ipinahayag ng mga personahe ng sirkulong pinansyal ng Tsina at iba't ibang bansang Asean na sa ilalim ng krisis na pinansyal, dapat itatag ng kapuwa panig ang isang kompletong sistemang pinansyal para mapalalim ang pag-unlad ng kooperasyong pinansyal.
Ipinahayag ni Su Ning, pangalawang pangulo ng People's Bank of China, na malalimang umuunlad ang globalisasyong pangkabuhayan at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, nakahanda ang kanyang bangko na magsikap, kasama ng ibang bangko, para likhain ang matatag at masiglang mekanismo at mapasulong ang sustenableng paglaki ng rehiyong ito.
Sinabi naman ni Xiao Gang, board chairman ng Bank of China Limited, na ang pagpapalakas ng Tsina't Asean ng rehiyonal na kooperasyong pinansyal ay isang mahalagang puwersa ng pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal, ito rin ang pangangailangan ng katatagan ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |