|
||||||||
|
||
Ang tema ng naturang isang serye ng pulong ay "pagpapalakas ng pag-uugnayan at pagpapalitan, pagbibigay ng karapatan sa mga mammayan" at ito ay tema rin ng Asean Summit, "10+3"summit ng Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea, "10+1"summit, summit ng Asean at India, Summit ng Silangang Asya. Hinggil dito, isinalaysay ni Vitavas Srivihok, puno ng departemento ng mga suliranin ng Asean ng Ministring panlabas ng Thailand, na:
"Tatalakayin ng lider ng Asean at mga lider ng dialogue partner ang hinggil sa pagsasakatuparan ng komunidad ng Asean sa taong 2015. Ang pag-uugnayan na hinggil sa naturang tema ay kinabibilangan ng dalawang laranga ng materyal at di-materyal. At ang pag-uugnayan ay isang napakahalagang elemento para sa konstruksyon ng komunidad sa darating na 6 taon. "
Ayon sa skedyuel ng pulong, naitakdang idaos sa ika-21 at ika-22 ng buwang ito, ang preparatoryong pulong, at sa ika-23 at ika-25 ng buwang ito, idaraos ang 7 malaking summit. At idaraos ang seremoniya ng pagbubukas sa umaga ng ika-23 ang ika-15 Asean Summit. At sa panahong iyon, idaraos ang seremoniya ng pasinaya Lupon ng karapatang pantao sa pagitan ng mga pamahalaan ng mga bansa ng Asean, kauna-unahang organisasyon sa karapatang pantao ng Asean, at lalahok sa inagurasyong ito ang mga lider ng lahat 10 bansa ng Asean. Ang pagtatatag ng naturang lupon ng karapatang pantao ay may napakahalagang papel para sa Asean, hinggil dito, ipinahayag ni Vitavas Srivihok na:
"ito ay isang napakahalagang pangyayari. Sapul noong nakaraang taon, idinaos ng grupo ng gawain sa karapatang pantao ang 15 pulong. At sa pulong ng mga Ministrong panlabas ng Asean, inaprobahan ang regulasyon ng organo ng Asean sa karapatang pantao, at sa sasaksi ang mga lider ng iba't ibang bansa, sa pagkakatatag ng organong ito, ito ay mahalagang hakbangin ng Asean sa konstruksyon ng komunidad ng "put pepole first" ".
Ayon sa pangmalayuang prospekt ng Asean na iniharap ni Abhisit Vejjajiva, punong ministro ng Thailand, ang komunidad ng Asean ay dapat maging komunidad ng aksyon, komunidad ng pag-uugnayan at komunidad ng mga mamamayan. Ipapalabas ng iba't ibang bansa ng Asean ang deklarasyon para palakasin ang kooperasyon sa edukasyon na naglalayong isakatuparan ang isang komunidad ng Asean ng pagbabahagi. Sa summit na ito, ipapalabas ng mga lider ng iba't ibang bansa ng Asean ang deklarasyon na may kinalaman sa klima para maliwanag n a iharap ang komong paninindigan ng Asean sa talastasan ng pagbabago ng klima.
idaraos sa ika-24 ang isang serye ng summit ng Asean at diologue partner, tatalakayin ng Asean at mga dialogue partner tulad ng Tsina, Hapon at T.Korea ang mga isyung tulad ng kaligtasan ng pagkaing-butil at enerhiya, katatagan ng pinansya. At idaraos sa ika-25 ang ika-4 Summit ng Silangang Asya, bukod sa Asean, Tsina, Hapon at T.Korea, lalahok sa pulong na ito ang mga lider ng India, Austrialia, at New Zealand.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |