|
||||||||
|
||
Ang FM service na Beibu Bay Radio o BBR ay sinimulan nang isahimpapawid ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi. Nasa magkasamang pagtataguyod ang BBR ng China Radio International at Guangxi Radio. Kasabay nito, pinasinayaan din ang www. bbrmedia. com, online service ng BBR.
Lumahok at nagtalumpati sa pasinaya si Pangkalahatang Direktor Wang Gengnian ng CRI. Aniya, ang BBR ay nakalikha ng bagong modelo ng pagtutulungan ng isang media sentral at media lokal ng Tsina at nagkakaroon din ito ng breakthrough sa sistema ng pangangasiwa at nilalaman ng mga programa.
Sinabi naman ng opisyal mula sa Guangxi na makabuluhan ang BBR service sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Asean sa iba't ibang larangan.
Ang FM radio na ito ay nagsasahimpapawid sa Mandarin, dialect na Tsino na Cantonese, at tatlong wikang banyaga na kinabibilangan ng Ingles, Thai at Biyetnames. Nagbobroadcast ito ng 17 oras araw-araw mula alas 7 ng umaga hanggang alas 24 ng gabi at ang 16 na palatuntunan nito ay nagtatampok sa mga balita, usap-usapan, impormasyong pangkultura, impormasyon ng paglalakbay at iba pa.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |