|
||||||||
|
||
Sa loob ng dalawang araw, lalahok si premiyer Wen sa ika-12 pulong ng mga lider ng Tsina at Asean (10+1), ika-12 pulong ng mga lider ng Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), at ika-4 na Summit ng Silangang Asya. Idinaos ang kasalukuyang serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya sa background ng pagpapanatili ng mga bansa ng Silangang Asya ng tunguhin ng kooperasyon at aktibong pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansiyal. Ipinahayag ni Hu Zhengyue, asisdente ng Ministrong panlabas ng Tsina na umaasa ang Tsina na patuloy na ginagawang pangunahing tungkulin ng iba't ibang kalahok na panig ang pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansiyal bilang pangunahing tungkulin, malalim na tatalakayin ang hinggil sa pagpapasulong ng malusog na recovery ng kabuhayan ng rehiyon at daigdig. Sa pulong, magpapalitan rin sila ng mga palagay hinggil sa, pangunahin na, pagpapalakas ng aktuwal na kooperasyon, at sa mga pandaigdigang isyung tulad ng reporma ng pandaigdigang sistemang pinansiyal, pagbabago ng klima, kaligtasan ng pagkaing-butil. Sinabi niyang:
"lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang naturang mga pulong. Batay sa diwa ng pagpapatibay ng kompiyansa, pagpapalalim ng kooperasyon, pagpapasulong ng kooperasyon, makikipagpalitan ang Tsina sa mga may kinalamang bansa ng palagay hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng Silangang Asya at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nilang pinahahalagahan, para pasulungin ang pulong na matamo ang positibo at aktuwal na bunga. "
Ayon pa sa ulat, sa pulong, isasalaysay ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang mga hakbangin ng Tsina sa pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansiyal at bunga nito, ilalahad ang palagay at paninindigan ng Tsina sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Silangang Asya, ihaharap ang kongkretong mungkahi hinggil sa kooperasyon sa mga larangan ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura, agrikultura, pinansya, kultura at iba pa sa ilalim ng framework ng 10+1 at 10+3. Uulitin ni premiyer Wen na kinakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng integrasyon ng Asean at pagsisikap ng Asean sa pagpapaliit ng agwat ng pag-unlad sa loob ng Asean. Binigyan-diin ni Hu na ang pagdalaw ni Wen sa Silangang Asya ay may mahalagang papel sa lalo pang pagpapasulong ng pagkakaibigan ng Tsina at mga kapitbansa, pagpapalawak at pagpapalalim ng kooperasyon ng Silangang Asya at pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at magkasamang pag-unlad ng rehiyong ito.
Datapuwa't may pandaigdigang krisis na pinansiyal, ang bilateral na kalakalan ng T sina at Asean noong unang 9 na buwan ng taong ito ay halos umabot sa 150 bilyong dolyares, sa kasalukuyan, ang Tsina at Asean ay ika-4 na pinakamalaking trade partner ng isa't isa. Sa unang araw ng Enero ng susunod na taon, komprehensibong matatatpos ang malayang zonang pangkalakalan ng Tsina at Asean, bagay na sumasagisag na ang intergrasyon ng kabuhayan ng dalawang panig ay aabot sa walang katulad na lebel. Sinabi ni Zhang Kening, counsellor ng Ministri ng komersyo ng Tsina na:
"ito ay kauna-unahang malayang zonang pangkalakalan na itinatag ng Tsina sa labas, at pinakamalaki ring malayang zonang pangkalakalan na binuo ng mga umuunlad na bansa sa kasalukuyan."
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |