Nakipagtagpo kahapon sa Hua Hin, Thailand si premiyer Wen Jiabao ng Tsina kay Kevin Rudd, punong ministro ng Australia.
Sinabi ni Wen na ang paggagalangan, pagtitiwalaan at pagtutulungan ng Tsina at Australia ay makakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa kapwa bansa at makakapagdulot ng positibong epekto sa mas malawak na saklaw. Anya, ang susi sa pagpapanatili ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay igalang at isaalang-alang ang nekleong interes at mahalagang pagkabahala ng isa't isa. Ipinahayag din ni Wen na mahalaga ang pagtatalakay ng Tsina at Australia ng paglalagda sa kasunduan sa malayang kalakalan at dapat aktibong pasulungin ng dalawang panig ang talastasang ito.
Sinabi ni Rudd na buong tatag na igigiit ng Australia ang patakarang isang Tsina at igagalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Ipinahayag din niyang umaasa ang Australia na magkakaisa ng palagay ang dalawang bansa sa lalo madaling panahon hinggil sa kasunduan sa malayang kalakalan.
Salin:Sarah