|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw sa Singapore ang 3 araw na pulong ng Business Advisory Council ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC. Sa pulong na ito, tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa mga isyu na gaya ng pagharap sa krisis na pinansiyal, pagpapalakas ng integrasyong pangkabuhayan ng rehiyong ito.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Teng Theng Dar, tagapangulo ng Singapore Business Federation, na sa ilalim ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, tatalakayin ng mga kahalok, pangunahin na, ang hinggil sa ulat na ihaharap sa mga lider ng APEC para manawagan sa kanila na aktibong pasulungin ang talastasang pangkalakalan ng Doha Round.
Sa ika-14 ng buwang ito, ang mga kalahok na kinatawan ng pulong na ito ay magsasagawa ng diyalogo sa ilang kalahok na lider na dadalo sa APEC.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |