|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon sa Singapore ang 2-araw na pulong ng mga mataas na opisyal ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC. Mga mataas na opisyal mula sa 21 kasapi ng APEC ang lumahok sa kasalukuyang pulong para gumawa ng paghahanda sa pulong na ministeryal at di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC na idaraos mula ika-11 hanggang ika-15 ng buwang ito.
Tinalakay sa pulong ang hinggil sa mga paksang gaya ng pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal, pagtutol sa proteksyonismong pangkalakalan, pagkatig sa sistema ng multilateral na kalakalan at pagpapasulong ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Narating ng iba't ibang panig ang malawakang komong palagay ukol sa sustenable at magkabalanseng paglaki ng kabuhayan pagkaraan ng pandaigdig na krisis na pinansyal, pagpapasulong ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kapaligirang komersyal, pagpapalakas ng pag-uugnayang panrehiyon at iba pa, pagtutol sa iba't ibang porma ng proteksyonismo ng kalakalan at pamumuhunan, pagkatig sa pagkakaroon ng Doha Round Talks ng komprehensibo at magkabalanseng resulta sa lalong madaling panahon at iba pa. Pinagtibay din sa pulong ang ulat ukol sa nabanggit na mga isyu na ihaharap sa pulong na ministeryal.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |