Dumating ngayong araw ng Kuala Lumpur si Hu Jintao, Pangulo ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw na pang-estado sa Malaysia.
Ang pagdalaw ni Hu ay kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Malaysia bilang Pangulo ng Tsina at pagdalaw ng puno ng estado ng Tsina sa Malaysia pagkaraan ng 15 taon.
Sa kaniyang nakasulat na talumpati sa paliparan, positibong pinapurihan ni Hu ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Malaysia. Ipinahayag niyang ang pagpapalalim ng estratehikong kooperasyon ng 2 bansa ay angkop sa saligang interes ng kanilang mga mamamayan at makakabuti rin sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Umaasa siyang sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, mapapalalim ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng 2 panig, mapapalakas ang kooperasyong may mutuwal na kapakinapangan at mapapasulong sa bagong antas ang kanilang estratehikong relasyong pangkooperasyon.
salin:wle