|
||||||||
|
||
Sina Hu Jintao, Pangulo ng Tsina at Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore
Nagtagpo ngayong araw sa Singapore sina Hu Jintao, Pangulo ng Tsina at Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore.
Sa pag-uusap, iminungkahi ni Hu na mapanatili ng Tsina at Singapore ang tunguhin ng pagpapalitan sa mataas na antas at mapahigpit ang mutiliteral na kooperasyon.
Sa pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), ipinalagay ng Pangulong Tsino ang pag-aasang magbibigay ng positibong ambag ang pulong sa pandaigdigang kooperasyon sa harap ng krisis na pinansiyal, lalu-lalo na sa pagpapalakas ng panrehiyong kooperasyon at pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan; magpapalabas ng maliwanag at malakas na signal na tutol sa proteksyonisim sa kalakalan at pamumuhunan at magkakaroon ng bagong progreso sa intergrasyong panrehiyon, pagpapabuti ng kapaligirang pangkalakalan at pampamumuhunan, pagpapahigpit ng ugnayang panrehiyon at pagkatig sa pagpapabuti ng kakayahan ng mga kasaping bansang umuunlad.
Ipinahayag ni Lee na welkam ang Singapore sa pagpapahigpit ng Tsina ng pakikipagtulungan sa mga bansang ASEAN at pagkatig sa kooperasyon ng Asya-Pasipiko at nakahandang mapalakas ang pagpapalitan at kooperasyon nila ng Tsina sa loob ng G20 at iba pang pandaigdigang organisasyon.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |