Dumalo at nagtalumpati ngayong araw sa Singapore si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa APEC CEO Summit.
Sa kanyang talumpati, iniharap ni Hu ang apat na mungkahi tungkol sa pagpapanumbalik sa kabuhayang pandaigdig alalaon baga'y aktibong pasulungin ng iba't ibang panig ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, ang reporma sa pandaigdigang sistemang pinansyal at ang pagbabago ng paraan ng pag-unlad ng kabuhayan.
Binigyang-diin ni Hu na ang mga hakbanging isinagawa ng Tsina bilang tugon sa pandaigdig na krisis na pinansyal ay makakabuti sa pagpapanatili ng matatag at may-kabilisang pag-unlad ng sariling kabuhayan at nakapagbigay din ito ng maraming pagkakataon sa ibang pang bansa at sirkulong komersyal at industriyal ng Asya-Pasipiko. Nagpahayag din si Hu ng pagtanggap sa mga personahe ng sirkulong komersyal at industriyal ng Asya-Pasipiko na aktibong lumahok sa prosesong pangkaunlaran ng Tsina.
Salin: Sissi