|
||||||||
|
||
Noong ika-3 kuwarter ng taong ito, maliwanag na bumangon ang kabuhayang pandaigdig at pumasok sa bagong yugto ang krisis na pinansyal. Ini-analisa ni Chen Fengying, eksperto sa kabuhayang pandaigdig ng China Institutes of Contemporary International Relations, na ang background na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng kasalukuyang pulong ng APEC. Anya,
"Espesyal ang background na ito dahil hindi pa nalalaman ng lahat na kung papaanong uunlad ang kabuhayang pandaigdig, papaanong tatasahan ang kasalukuyang kalagayan at kokoordinahin ang panahon at paraan para itigil ang pagsasagawa ng mga hakbangin ng pagpapasigla sa kabuhayan. Sa kalagayang itong nagbabantulot ang iba't ibang bansa, magiging mahalaga ang pulong na ito."
Sinabi rin ni Chen Fengying na ang unang 3 bansa sa listahan ng kabuhayang pandaigdig--E.U. Hapon at Tsina ay pawang nasa Asya-Pasipiko. Noong ika-3 kuwarter ng taong ito, mataas ang paglaki ng GDP ng mga bansang ito at sa gayo'y naipapakita ang papel ng Asya-Pasipiko sa pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig. Dahil sa papel na ito, ang kasalukuyang pulong ay nakakatawag ng malaking pansin.
Ang taong ito ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng APEC. Ipinahayag ni Zhao Jianglin, eksperto sa isyu ng Asya-Pasipiko ng Chinese Academy of Social Sciences, na dahil nagsasagawa ang APEC ng isang mekanismo na walang sapilitang restriksyon, umiral minsan ang pagduda sa papel nito. Ngunit, bilang isang organong may pinakabuong mekanismo sa Asya-Pasipiko, pagsasama-samahin ng APEC ang mga economy na magkakaiba ang lebel sa pag-unlad, sistemang panlipunan at sense of value. Ito mismo ay ang isang tagumpay. Sinabi ni Zhao na,
"Hindi mahahalinhan ng iba pang organisasyon ang APEC. Mahalaga ang platapormang ito para sa lahat ng mga kalahok na economy, dahil ang maraming mahalagang bilateral na kasunduang pangkalakalan ay narating sa pamamagitan ng talastasan ng mga lider sa platapormang ito. Nauunawaan ng lahat na hindi dapat itakwil ang platapormang ito at mahalaga ang punksyon nito."
Ang pagkakatatag ng APEC ay naglalayong pasulungin ang liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Sa APEC Summit na idinaos noong 1994 sa Bogor ng Indonesya, iniharap ang Bagor Goals, alalaon baga'y maisasakatuparan ang liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa mga maunlad na kasapi ng APEC sa 2010 at sa mga umuunlad na kasapi naman sa 2020. Ipinalalagay ni Zhao Jianglin na kasunod ng pagsapit ng taning sa pagsasakatuparan ng target na ito ng mga maunlad na kasapi, kung maisasakatuparan o hindi ang target na ito sa nakatakdang panahon ay naging pinakapangunahing isyu na kinakaharap sa kasalukuyang pulong at ito rin ay isang masusing yugto ng pag-unlad ng APEC. Anya,
"Dahil sa Bogor Goals, sa kasalukuyan, kinakaharap ng APEC ang isang malaking pagsubok. Kung walang sagabal na maisasakatuparan sa susunod na taon ang liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa mga maunlad na kasapi, magdudulot ito ng malaking epekto at puwersang tagapagpasulong sa APEC."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |