Nakipagtagpo ngayong umaga sa Singapore si pangulong Hu Jintao ng Tsina kay Donald Tsang, punong ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ng Tsina.
Isinalaysay ni Tsang kay Hu ang kasalukuyang kalagayan ng Hong Kong at pinasalamatan niya ang pamahalaang sentral sa pagmamalasakit at pagkatig sa Hong Kong sa panahon ng pandaigdig na krisis na pinansyal.
Pinapurihan ni Hu ang pagsisikap ng pamahalaan ng Hong Kong sa pagharap sa krisis na ito at pagpapasulong ng administrasyong pulitikal. Umaasa anya siyang ibayo pang pasusulungin ng Hong Kong ang kabuhayan at pabubutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai