Nakipagtagpo ngayong araw sa Singapore si Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Partido Komunista ng Tsina, kay Lien Chan, tagapangulong pandangal ng Kuomintang.
Umaasa si Hu na mapapalakas ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits ang pagpapalitan at diyalogo, mapapahigpit ang pagtitiwalaang pulitikal at maisasagawa ang mas maraming aktuwal na bagay para mapasulong ang pagtatamo ng bagong progreso ng kanilang relasyon. Binigyang-diin din niyang batay sa hakbang na una ang isyung pangkabuhayan at susunod ang isyung pulitikal, dapat patuloy na pasulungin ang pagsasanggunian ng magkabilang pampang, magsikap para masimulan ang proseso ng kasunduan sa kooperasyong pangkabuhayan at makalikha ng kondisyon para sa paglutas ng isyung pulitikal ng magkabilang pampang.
Sinang-ayunan ni Lien ang palagay ni Hu. Anya, lumalawak at lumalalim ang kooperasyong pangkabuhayan ng magkabilang pampang at umaasa siyang mapapabilis ang pagsasanggunian ng magkabilang pampang hinggil sa kasunduan sa kooperasyong pangkabuhayan.
Salin: Liu Kai