Binuksan ngayong araw sa Singapore ang ika-17 di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC, Asia-Pacific Economic Cooperation.
Sa dalawang araw na pulong na ito, tatalakayin ng mga kalahok na lider, pangunahin na, ang pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansyal, pagbabago ng klima, pagtutol sa proteksyonismong pangkalakalan, pagkatig sa multilateral na sistemang pangkalakalan, pagpapasulong ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, pag-unlad ng APEC sa hinaharap at iba pang isyu.
Sa pulong na ito, ilalahad ni pangulong Hu Jintao ng Tsina ang palagay at paninindigan ng pamahalaang Tsino sa serye ng mga isyu.
Salin: Liu Kai