Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nagtalumpati sa di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC

(GMT+08:00) 2009-11-14 17:40:29       CRI
Binuksan ngayong araw sa Singapore ang ika-17 di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC, Asia-Pacific Economic Cooperation. Sa unang yugto ng pulong nang araw ring iyon, bumigkas ng talumpati si pangulong Hu Jintao ng Tsina hinggil sa pagkatig sa multilateral na sistemang pangkalakalan.

Binigyang-diin ni Hu na sa ilalim ng kalagayan ng magkakasamang pagharap ng komunidad ng daigdig sa pandaigdig na krisis na pinansyal, ang pangangalaga sa katatagan ng multilateral na sistemang pangkalakalan at pagpapasulong sa tagumpay ng Doha Round Talks ay makakabuti sa pagpapataas ng lebel ng pagbubukas ng kalakalang pandaigdig, pagpigil sa proteksyonismong pangkalakalan, pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, mahalaga ito para sa pagharap ng lahat ng mga kasapi ng APEC, lalaung-lalo na ng mga umuunlad na kasapi, sa mga epekto ng kasalukuyang krisis at angkop din sa komong interes ng iba't ibang panig.

Tinukoy ni Hu na buong tatag na kumakatig ang Tsina sa liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, nagsisikap para maitatag ang multilateral na sistemang pangkalakalan na pagiging pantay-pantay, makatwiran at walang-pagtanggi at konstruktibong lumalahok sa Doha Round Talks. Nakahanda anya ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang panig, para matamo sa lalong madaling panahon ng Doha Round ang komprehensibo at may-balanseng bunga.

Ipinatalastas din ni Hu na maglalaan ang pamahalaang Tsino ng 10 milyong Dolyares para maitatag ang fund sa kooperasyon ng Tsina at APEC bilang pag-eenkorahe at pagkatig ng mga departamento at bahay-kalakal na Tsino sa kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya ng APEC.

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>