|
||||||||
|
||
Sa unang yugto ng pulong ngayong hapon, tinalakay ng mga kalahok na lider ang hinggil sa pagpapahigpit ng pag-uugnayang panrehiyon. Bumigkas ng talumpati si pangulong Hu Jintao ng Tsina hinggil sa pagkatig sa multilateral na sistemang pangkalakalan. Isinalaysay ni Ma Zhaoxu, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na,
"Binigyang-diin ni pangulong Hu na sa ilalim ng kalagayan ng magkakasamang pagharap ng komunidad ng daigdig sa pandaigdig na krisis na pinansyal, ang pangangalaga sa katatagan ng multilateral na sistemang pangkalakalan at pagpapasulong sa tagumpay ng Doha Round Talks ay makakabuti sa pagpapataas ng lebel ng pagbubukas ng kalakalang pandaigdig, pagpigil sa proteksyonismong pangkalakalan, pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, mahalaga ito para sa pagharap ng lahat ng mga kasapi ng APEC, lalaung-lalo na ng mga umuunlad na kasapi, sa mga epekto ng kasalukuyang krisis at angkop din sa komong interes ng iba't ibang panig."
Bilang tugon sa muling lumilitaw na proteksyonismong pangkalakalan, isinalaysay ni Hu ang konsistenteng paninindigan at gagawing aksyon sa isyung ito. Ayon kay Ma,
"Tinukoy ni pangulong Hu na buong tatag na kumakatig ang Tsina sa liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, nagsisikap para maitatag ang multilateral na sistemang pangkalakalan na pagiging pantay-pantay, makatwiran at walang-pagtanggi at konstruktibong lumalahok sa Doha Round Talks. Nakahanda anya ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang panig, para matamo sa lalong madaling panahon ng Doha Round ang komprehensibo at may-balanseng bunga."
Iniharap din ni Hu ang tatlong mungkahi hinggil sa pag-unlad ng APEC sa hinaharap, alalaon baga, patuloy na pasusulungin ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, daragdagan ang laang-gugulin para matamo ng kooperasyong pangkabuhayan at panteklohiya ang mas malaking bunga at isasagawa ang reporma at inobasyon para mapalakas ang bitalidad ng sariling mekanismo.
Kaugnay ng talumpating ito ni pangulong Hu, ipinahayag ni Ma na,
"Ang kanyang talumpati ay hindi lamang nagbigay-liwanag sa isyu ng multilateral na sistemang pangkalakalan, kundi rin nagturo ng direksyon ng pag-unlad ng APEC sa hinaharap. Ito ay mainit na natanggap ng mga kalahok."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |